by Butch Quejada
MANILA, Philippines - Makikimartsa ang FOI Youth Initiative (FYI) sa ikinasang “Million People’s March” sa Luneta Grandstand sa Lunes, August 26 na pabor sa pagbuwag sa pork barrel.
“We are in solidarity with the call to abolish the pork barrel. Beyond this, we affirm that one of the solutions to curtail corruption that stems from patronage politics is the enactment of the FOI Law,” sabi ni FYI convener Allan Pangilinan, Philosophy student at Councilor sa UP Diliman College of Social Sciences and Philosophy Student Council.
Ayon kay Pangilinan, gaya ng pagsusulong nila sa pagpasa ng Freedom of Information Law, aktibo rin silang katuwang sa pagbabantay sa mga opisyal ng pamahalaan na halal ng taumbayan.
“Will not bring banners identifying FYI or any other organization, as prescribed by the organizers of the event. Our presence there as young people coming together to join fellow Filipinos is our clear statement that we have had enough of the old ways of traditional politics.”
Una nang umapela sa gobyerno ang grupo ng mga kabataan na magsagawa ng imbestigasyon sa iskandalong kinapalooban ng pork barrel at panagutin ang mga sangkot. Hiniling din nila sa Pangulo, Senado at Kamara na buwagin na ang sistema ng pork barrel dahil ugat lang umano ito ng korapsiyon.
Kasabay nito, muling hinikayat ng FYI na ipakita ang kanilang sinseridad na labanan ang korapsiyon sa pamamagitan ng pagpasa ng Freedom of Information Law na poprotekta sa pera ng bayan.
No comments:
Post a Comment