27 November 2012

[FYI in Bombo Radyo] Panibagong mainitang debate sa FOI Bill inaasahan ngayong hapon



Naniniwala si Akbayan Rep. Walden Bello, co-author ng Freedom of Information Bill (FOI) na magiging mainitan na naman ang sagutan ng mga mambabatas sa pagtalakay na muli ng kontrobersyal na panukalang batas ngayong hapon.

Ito aniya ay kung ipipilit na muli ng mga nagsusulong ng Right to Reply Bill na maisama ang kanilang mga panukala.

Magugunitang nagkasigawan at ilan pa ang nagmura matapos mabigo ang House committee on information na pinamumunuan ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone para mailusot ang FOI sa kanilang komite.

Para naman kay Nueva Ecija Rep. Rodolfo Antonino, isa sa humaharang sa FOI version, dapat matiyak na kasama ang Right to Reply para maging maayos at solidong batas ang kanilang mabubuo.

Pero para naman sa mga nagsusulong ng FOI, dapat isulong ng hiwalay ang hirit ni Antonino lalo't huli itong naihain at natalakay sa Kamara.

Maging ang ilang grupo ng kabataan tulad ng FOI Youth Initiative (FYI) at iba pang grupo ay nagtungo rin sa Kongreso para bantayan ang development ng usapin.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...